Bilang may-pagawaan, sumasangayon ka ba na sapilitan kang magbigay ng libreng serbisyo sa pangkalusugang pangangalaga sa pag-aanak, mga gamit nito, mga kasangkapan at pagtistis (kasama na ang vasectomy at ligation) sa iyong mga manggagawa, at ipakulong ka at/o pagmultahin sa bawa’t pagkakataon na hindi mo ito natupad?
Ang Seksyon 17 ay nagpapahayag na ang mga may-pagawaan ay magbibigay ng libreng serbisyo sa pangkalusugang pangangalaga sa pag-aanak, mga gamit nito at mga kasangkapan para sa mga manggagawa lalung-lalo na sa mga kababaihang manggagawa. (Basahin ang Kahulugan ng Reproductive Health and Rights Section 4, paragraph g, Section 21, Paragraph c at Section 22 ukol sa mga Kaparusahan.)
Bilang health care service provider, sumasangayon ka ba na ikaw ay ipakulong at/o pagmultahin, kung ikaw ay hindi makatupad na makapagbigay ng serbisyo sa pangkalusugang pangangalaga sa pag-aanak katulad ng mga pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya at pagbibigay ng serbisyong katulad ng ligation at vasectomy, may-asawa man o wala ang pasyente, anuman ang kasarian, relihiyon o edad?
(Basahin ang Section 21 ng Prohibited Acts, Letter a, Paragraph 1 hanggang 5 at Section 22 ukol sa mga Kaparusahan)
Bilang kabiyak, sumasangayon ka ba na ang asawa mo ay dumaan sa ligation o vasectomy ng wala kang pahintulot o kaalaman man lamang?
Basahin ang Section 21 ng Prohibited Acts, Letter a, Paragraph 2)
Bilang mga magulang, sumasangayon ka ba na ang inyong mga anak na may edad simula 10 hanggang 17 ay dapat turuan na ng kanilang sekswal na karapatan at mga paraan kung paano makatamo ng kasiyahan at “ligtas” na buhay-sekswal bilang bahagi ng curriculum sa kanilang paaralan?
Ang Reproductive Health Education ay sapilitang itatadhana mula sa Grade 5 hanggang makatapos ng High School (Tingnan ang Seksyon 12 sa Reproductive Health Education and Section 4 Definition of Family Planning and Reproductive Health, Paragraph b, c and d).
Sumasangayon ka ba na ipakulong ka at/o pagmultahin, dahil sa pagpapahayag ng palagay laban sa alinman sa itinatadhana ng batas na ito, kung ang pagpapahayag na iyon ng iyung palagay ay bigyan-pakahulugan na naglalaman ng “malisyosong maling impormasyon”.
(Tingnan ang Section 21 on Prohibited Acts, Paragraph f and Section 22 on Penalties)

No comments:
Post a Comment