Tuesday, November 11, 2008

Ika 22 Taon ng Pagkapari ni Rev. Fr. Buenaventura C. Ubarco Inalala

Noong nakaraang Sabado, November 08, 2008 ay binigyan ng isang sorpresang pag-alala ang ika 22 taon anibersaryo ng pagka-pari ni Fr. Toochy sa pangunguna ng Parish Pastoral Council at mga myembro ng ibat-ibang samahang pansimbahan. Isang bukas na liham ang binasa na naging tradisyon na pagsasapit ang nasabing okasyon. Sa kanyang mensahe ng pasasalamat sa pagpapahalaga at pag-alala sa kanyang "sacerdotal anniversary" ay binigyan diin niya ang kahalagahan ng panalangin sa buhay ng isang pari.

Ayon sa kanya, ang pagtalikod ng mga kaparian sa kanilang bokasyon ay hindi sanhi ng kanilang pagnanais na mag-asawa kundi ang pagkawala o paghina ng buhay panalangin ng isang pari kung kaya't kanyang pinakiusapan ang lahat na patuloy na mag-alay ng panalangin para sa mga kaparian nang sa gayon ay patuloy nilang mapaglabanan ang mga hamon at tukso sa kanilang bokasyon.

No comments: