Monday, October 27, 2008

KASALANG BAYAN 2008





Isang malaking tagumpay ang naganap na Kasalang Bayan sa Parokya noong nakaraang Sabado October 25, 2008 kung saan 13 pares ang tumanggap ng Sakramento ng Kasal sa pangunguna ni Rev. Fr.Toochy Ubarco. Ang nasabing gawain ay taunang proyekto ng parokya sa pamamagitan ng Family & Life Ministry (FLM) at pakikiisa ng lahat ng mga samahang pansimbahan katulad ng Mother Butler Guild (MBG), Catholic Women’s League (CWL), San Antonio Youth Choir (SAYC) at Ushers and Collectors Ministry (UCM).

Pagkatapos ng Banal na Misa ay nagkaroon ng isang salo-salo sa Parish Hall para sa lahat ng mga ikinasal kasama ang kanilang mga Ninong at Ninang kung saan bukod sa mga masasarap na pagkain mula sa iba’t-ibang organisasyon sa parokya ang lahat ay hinarana at inaliw din ng mga myembro ng San Antonio Youth Choir (SAYC). Katulad noong nakaraang taon, muling nagbigay ng tulong at pakikiisa ang St. Michael’s College sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng serbisyo mula sa mga HRM Students ng kolehiyo. Mula sa pamunuan ng Parish Pastoral Council (PPC) at ng Family and Life Ministry (FLM) ang kanilang lubos na pasasalamat ay ipinahahatid sa lahat ng mga tumulong at nagkaloob ng kanilang mga oras, talino at yaman.

No comments: