Showing posts with label Catholic Women's League (CWL). Show all posts
Showing posts with label Catholic Women's League (CWL). Show all posts

Sunday, October 12, 2008

Maraming Salamat Po Bishop Deogracias Iniguez!


Naging isang malaking tagumpay ang nakaraang Bihilya sa Kabanal-banalang Sakramento Kasama ang Mahal na Birhen Maria noong nakaraang Sabado October 11, 2008 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Rosaryo sa parokya. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Kalookan, Most Rev. Bishop Deogracias S. Iniguez, bilang Punong Tagapagdiwang sa Banal na Misa. Sa kanyang homiliya binigyan diin ng Mahal na Obispo na ang ating debosyon sa Banal na Rosaryo ay isang tunay na paglalakbay patungo kay Kristo na masasalamin sa bawat misteryo nito:


Sa mga Misteryo ng Tuwa na tumatalakay sa mga tagpo ng pagkakatawang Tao ng Salita, ang Verbo si Kristo.

Sa mga Misteryo ng Liwanag na nagpapakita ng mga gawain o tagpo ng ministeryo ng Panginoon at pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos.

Sa mga Misteryo ng Hapis na nagpapaalala ng mga pinagdaanang sakit at hirap ng Panginoon upang tubisin ang ating mga kasalanan.

Sa mga Misteryo ng Luwalhati na nagpapakita ng tagumpay at Kaluwalhatian ng Diyos kasama ang Mahal na Birhen Maria.


Ang lahat ng mga samahang pansimbahan ng Parokya ay nakiisa at dumalo sa Banal na Misa at Bihilya kabilang na ang pamunuan at mga guro ng Sta. Catalina College na walang sawa at pagod na nakikiisa at sumusuporta sa mga gawain ng Parokya. Ang ginanap na Bihilya sa Kabanal-banalang Sakramento Kasama ang Mahal na Birhen Maria para sa taong ito ay buong pagkakaisang pinangunahan ng Adoracion Nocturna Filipina Turno 1193, Ushers & Collectors Ministry (UCM) at Catholic Women's League (CWL)

Friday, October 3, 2008

Eucharistic & Marian Vigil

In celebration of the Month of the Most Holy Rosary this October 2008, our Parish will be having a Eucharistic & Marian Vigil to be organized by the Adoracion Nocturna Filipina (ANF) Turno 1193 and Extraordinary Ministers of the Holy Eucharist (EMHC) in cooperation with the Ushers & Collectors Ministry (UCM) and Catholic Women’s League (CWL) to be held on the
11th of October, Saturday from 4:30 p.m. to 11:30 p.m.
at the parish church.

For this year’s celebration, our parish invited His Excellency, Most Rev. Bishop Deogracias S. Iniguez, Jr., D.D., Bishop of the Diocese of Caloocan as the Mass Celebrant.

Tuesday, September 30, 2008

Eucharistic & Marian Vigil

In celebration of the Month of the Most Holy Rosary this October 2008, our Parish will be having a Eucharistic & Marian Vigil to be organized by the Adoracion Nocturna Filipina (ANF) Turno 1193 and Extraordinary Ministers of the Holy Eucharist (EMHC) in cooperation with the Ushers & Collectors Ministry (UCM) and Catholic Women’s League (CWL) to be held on the 11th of October, Saturday from 4:30 p.m. to 11:30 p.m. at the parish church.

For this year’s celebration, our parish invited His Excellency, Most Rev. Bishop Deogracias S. Iniguez, Jr., D.D., Bishop of the Diocese of Caloocan as the Mass Celebrant.