Thursday, May 14, 2009

Isang Pagpupugay sa Dakilang Ilaw ng Tahanan-An Open Letter to all the Mothers of the Parish during the 2009 Mothers Day Tribute

NANAY NGAYON ANG ESPESYAL NA ARAW MO, OO MARAMING OKASYON AT SELEBRASYON KUNG SAAN MAARI KONG ALALAHANIN ANG IYONG PAGMAMAHAL AT PAGKALINGA SUBALIT ANG ISANG ITO ANG KATANGI-TANGI DAHIL ITO ANG ARAW KUNG SAAN HIGIT KONG DAPAT NA ALALAHANIN ANG IYONG PAGIGING INA, ANG DAKILANG BOKASYON NG ISANG BABAENG TULAD MO.

DAHIL DITO ‘NAY, BAYAAN MONG BUKSAN KO ANG NILALAMAN NG PUSO KO SA ORAS NA ITO SA PAMAMAGITAN NG MGA PAGBABALIK ALAALA SA MGA NAKARAANG PANGYAYARI SA ATING DALAWA NITONG NAGDAAANG MGA ARAW:

• SA DINAMI-DAMI NG MGA NAGAWA KONG KASALANAN SA IYO ALAM KO AT NARARAMDAMAN KO KUNG ALIN SA MGA ITO ANG HIGIT NA DUMUDUROG SA PUSO MO. MARAMING PAGKAKATAON HINDI AKO NAGSASABI NG TOTOO SA ILANG MGA BAGAY , TUMATAKAS AKO SA MGA PAGKATATAON NA KAILANGAN MO ANG AKING PRESENSYA PARA SA MGA GAWAING BAHAY LAHAT NG MGA ITO BALEWALA LANG SA IYO, MINSAN NAKAKAPAGTAAS KA NG BOSES DAHIL SA MGA ITO PERO MADALING MAPAPAWI ANG GALIT MO.

PERO ‘NAY NATATANDAAN MO BA ANG UNANG PAGKAKATAON NA NAGAWA KONG MAGTAAS NG BOSES SA IYO AT SIGAWAN KA? SARIWANG SARIWA SA AKING DIWA ANG PANGAYAYARING IYON. . .HINDI KA NAGSALITA NAKATINGIN KA LANG SA AKIN. . .NATULALA KA AT NAPAISIP SA AKING GINAWA. . .

• MAY MGA PAGKAKATAON NA HINDI TAYO NAGKAKAINTINDIHAN SA ILANG MGA BAGAY AT USAPIN SA BAHAY, PILIT MONG PINAPALIWANAG AT ITINUTURO SA AKIN ANG DAPAT GAWIN PERO DAHIL SA TINGIN KO MAS TAMA AKO HINDI KITA PINAKINGGAN. . .AT NAGALIT KA DAHIL DITO PERO MATIGAS TALAGA ANG ULO KO AT HINDI KO MATANGGAP ANG SINASABI MO KAYA AAMININ KO MASAMA ANG LOOB KA SA IYO. . .GALIT AKO ‘NAY, YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT HAGGANG NGAYON HINDI KITA PINAPANSIN AT KINIKIBO. . .

‘NAY PASENSYA KA NA WALA AKONG LAKAS NG LOOB NA LUMAPIT SA IYO AT PERSONAL NA IPALIWANAG ANG NARARAMDAMAN KO, HINDI NAMAN AKO SANAY NA KAUSAPIN KA NG GANITO. . .ALAM KO ITO ANG IYONG ARAW, PERO MAY DALAWANG BAGAY LANG AKO NA GUSTONG HINGIN SA IYO SA PAGKAKATAONG ITO . . .KAHIT NGAYON LANG,

‘NAY PWEDE BA KITANG YAKAPIN NG MAHIGPIT? TULAD NOON, NA KAPAG AKO’Y NA SA IYONG BISIG WALANG ANUMAN O SINUMAN ANG MAARING MAKASALING SA AKIN, ANG DAMING KONG PROBLEMA NGAYON ‘NAY, ISANG YAKAP LANG. . .

AT HALIKAN MO NAMAN AKO SA NOO, YUNG DATING MONG GINAGAWA? ANG HALIK NA KAPAG DUMADAMPI SA AKING NOO AY NARARAMDAMAN KO ANG IYONG PAGHINGA, ANG IYONG PAGHINGA NA NAGBIGAY SA AKIN NG LAKAS NA MAGPAHANGGANG NGAYON AY AKING TAGLAY.

2 comments:

telanhon1516 said...

ang ganda n man nang sulat mo kakatuwa

telanhon1516 said...

ang ganda nang mga gawa nyong video ah