Friday, May 29, 2009

KAPISTAHAN NI SAN ANTONIO DE PADUA

Sa darating na Ika-4 ng Hunyo 2009 ay sisimulan na sa ating parokya ang siyam (9) na araw ng Nobenaryo sa karangalan ng ating patron San Antonio De Padua. Ang Banal na Misa ay idaraos sa ganap na ika-6 ng hapon na magsisimula sa Hunyo 4 hanggang Hunyo 12 kung saan maraming mga kaparian ang inimbitahan upang pangunahan ang mga nasabing misa at pagninilay sa kapistahan ni San Antonio De Padua. Sa darating na Ika-13 ng Hunyo araw ng kapistahan ni San Antonio, ang mga oras ng Misa ay ang mga sumusunod:

Ika-6 ng umaga-Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian,Obispo Leo Drona
Ika-7 ng umaga
Ika-8 ng umaga
Ika-9 at kalahati ng umaga-Misa Konselebrada
Ika-5 ng hapon-Huling Misa

1 comment:

telanhon1516 said...

ang ganda na man nang pag kagawa mo nang profile mo