Tuesday, September 30, 2008

PANALANGIN NG LAYKO

Mapagmahal naming Ama,
Ikaw ang may akda ng buhaySalamat, ang dangal nami’y binigyang halaga.Ikaw ang bukal ng karununganSalamat, kalooban nami’y pinukaw mong ganap.Ikaw ang pinagmulan ng pag-ibigSalamat, puso nami’y tinuruang magmahal.

Mapagkalingang Hesus
Ikaw ang Pastol ng mga layko.Hayaan mo kaming makatugonSa iyong makapangyarihang tinig,upang kami’y makapaglingkod sa iyong kawannang may pag-ibig at pagmamalasakit.

Espiritung Banal,
Halina’t likhain kaming muliupang maging isang simbahanghandang maging mukha ni Kristosa bawa’t pamilya’t tahanan,handang maging tinig ng Diyos, nagpapalaganapat nagsasabuhay ng Mabuting Balita,handang maging puso ni Hesus,naglilingkod at nagbabahagi sa lahat ng panahon.

O Kabanal-banalang Santatlo,
Salamat sa halimbawang ipinakitani San Lorenzo Ruiz,Ibinahagi niya ang kanyang pag-ibig sa Diyosat katapatan sa misyon.Pagindapatin mo pong kami’y maging tulad niya,Isang lingkod na tapat, isang laykong may dangal,nananalangi’t nagmamahal ngayon at kailanman.

Amen.

No comments: